50% ng mga botanteng Pinoy sa Hong Kong, nakaboto na

46

Kinumpirma ng Philippine Consulate General na 50% na ng mga Pilipino sa Hong Kong ang nakaboto na.

Ito ay mula sa kabuuang bilang na 93,626 na rehistradong botante roon.

Ayon kay Consul General Raly Tejada, katumbas ito ng 48,300 na mga Pinoy sa Hong Kong na nakalahok na sa overseas absentee voting (AOV) doon na sinimulan noong April 10.


Inaasahang sa darating na Sabado at Linggo ay lalo pang daragsa sa polling center ang mga Pinoy sa Hong Kong kung saan day off ng karamihan sa kanila.

Mayroon na lamang hanggang Lunes, May 9 ang overseas absentee voters para bumoto.

Facebook Comments