525 new COVID cases, naitala ng DOH

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 525 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Dahil dito, pumalo sa 3,673,717 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng sakit pero 45,339 na lamang dito ang active cases o patuloy na nagpapagaling.

Sa nakalipas na dalawang linggo, ang National Capital Region ang nakapagtala ng pinakamaraming bagong kaso na nasa 2,155; sinundan ng Calabarzon, 1,020 at Western Visayas na may 743.


Samantala, umabot na sa 3,570,355 ang bilang ng mga gumaling habang 58,023 ang nasawi.

Facebook Comments