
Tinanggal na ng Department of Education (DepEd) sa senior high school (SHS) voucher program ang 55 mga paaralan dahil sa kanilang mga kwestunableng claims.
Sinabi ito ni DepEd Project Manager III Tara Rama sa pagdinig ng House Committee on Basic Education and Culture ukol sa natuklasang “ghost students” sa ilang pribadong paaralan na kalahok sa programa.
Ayon kay Rama, ang mga tinanggal na mga paaralan ay may discrepancies sa kanilang billing information at learners information system.
Binanggit ni Rama na nasa 200-million pesos na halaga ng senior high school voucher ang hindi nila nailabas para sa School Year 2023 to 2024 matapos makitaan ng isyu.
Facebook Comments