
Itinanggi ng Malacañang na may education crisis sa bansa kasunod ng pag-viral ng isang contestant sa isang TV show dahil wala umano siyang alam tungkol sa Commission on Elections (COMELEC).
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, hindi nababahala dito si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil ginagawa naman ng pamahalaan ang lahat para itaas ang antas ng edukasyon.
Dagdag pa ni Castro, ang kawalan ng kaalaman ng nasabing contestant ay hindi sumasalamin sa sistema ng edukasyon sa buong bansa.
May responsibilidad din aniya ang mga mag-aaral na maging proactive pagdating sa kanilang kapaligiran.
Naniniwala rin si Castro na kung may pagkukulang man, ay maaari namang tulungan ng mga estudyante ang kanilang sarili sa pamamagitan ng internet.