6 na bakasyonista, naligtas ng Naval Forces West sa karagatang sakop ng Puerto Princessa, Palawan

Nasagip ng mga tauhan ng Naval Forces West ang anim na sakay ng lumubog na bangka sa karagatang sakop ng Ulugan Bay, Brgy Bahile, Puerto Princesa, Palawan, kahapon.

Ang mga nasagip na kinabibilangan ng isang bata ay umalis mula sa Macarascas lulan ng MB Dexter, patungo ng Rita Island para mamasyal nang masiraan ng makina ang kanilang bangka.

Natagpuan ng BRP Andres Bonifacio (PS17) ang stranded na bangka na bahagyang nakalubog dahil sa lakas ng alon at agad nagdispatsa ng rescue team.


Ang mga nasagip na pasahero ay agad binigyan ng atensyong medikal at hinila ang kanilang bangka pabalik ng Macarascas.

Matapos na masiguro na nasa maayos na kondisyon, ang mga naligtas ay tinurn-over sa lokal na pamahalaan ng Macarascas at ligtas na nakauwi sa Puerto Princesa City.

Facebook Comments