Thursday, May 7, 2026

MRF SA ILANG BARANGAY SA DAGUPAN CITY, BINISITA

Ilang material recovery facility sa mga barangay sa Dagupan City ang surpresang binisita ng Pamahalaang Panglungsod upang busisiin ang maayos na pamamahala sa basura mula sa mga kabahayan, kahapon, Mayo 6.

Sa pag-iikot ng alkalde, kabilang sa mga sinuri ang kaayusan sa segregation ng mga basura mula sa mga nabubulok, hindi nabubulok at recyclable o holcimables.

Kabilang sa mga binisita ang Material Recovery Facility sa Brgy. Lucao at Malued, na isa sa mga benepisyaryo ng kabuuang labing-isang garong mula sa pamahalaan.

Siniyasat din ang kalagayan sa mga basag na kagamitan o plastic na maaaring iresiklo at maaaring ipadala sa partner agency upang gawing hollow block na ipinapamahagi sa mga nangangailangan ng materyales sa bahay.

Kaugnay nito, muling iginiit ng tanggapan ang seryosong paninindigan sa wasto at sustenableng pamamahala ng basura sa mga barangay, upang tuluyang wakasan ang matagal nang problema sa basura matapos ang malaking hakbang sa pagsasara ng dumpsite sa lungsod.

Kamakailan, isang mini dumpsite sa Brgy. Bonuan Binloc ang binakuran ng pamahalaan matapos ang nakatiwangwang at peligrosong tambak ng basura para sa kalusugan at kaligtasan ng mga residente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments