
Tukoy na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang sampung indibidwal at grupong sangkot sa nakumpiskang 512 kilo ng hinihinalang shabu sa Laos na nakatakda sanang dalhin sa bansa.
Tiniyak ng NBI na mananagot ang pasimuno at mga kasabwat sa ginawang pagtatangkang pagpasok ng kargamento ng ilegal na droga sa Pilipinas.
Ayon sa PDEA na kilala na nila ang dalawang Pilipinong nasa likod ng pagpuslit ng P3.5B halaga ng shabu gamit ang isang inarkilang private jet.
Kasalukuyang sinusuri ng mga awtoridad ang naarestong si alyas Fahad na sinasabing may kaugnayan sa isang drug syndicate sa Davao.
Napag-alaman rin na ang kasabwat nitong si alyas Boyet ang mismong nag-arkila sa eroplano at nagbayad gamit ang bank transfer na kasalukuyang nakatakas na umano patungong Hong Kong bago ang nangyaring operasyon.










