Arestado ang isang High Value Individual (HVI) sa isinagawang search warrant operation ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at mga ahensya kontra droga sa Alaminos City nitong Abril 29, 2026.
Target ng operasyon ang isang 48-anyos na lalaki, na nakalista bilang resurgent HVI ng PDEA.
Nasamsam mula sa suspek ang 9 na sachet ng hinihinalang shabu, 2 bukas na sachet na may residue, isang improvised glass water pipe na may bakas ng droga, at isang rolyong aluminum foil bilang non-drug evidence.
Tinatayang aabot sa humigit-kumulang 50 gramo ang kabuuang timbang ng nakumpiskang ilegal na droga na may Standard Drug Price na ₱340,000.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek sa Lingayen Police Station para sa pansamantalang pag-iingat, habang isasailalim naman sa pagsusuri ng Pangasinan Provincial Forensic Unit ang mga nakumpiskang ebidensya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








