7 sabungero arestado sa Muntinlupa City, dahil sa paglalaro ng tupada

40

Hinuli ng mga tauhan ng Muntinlupa City Police Station ang pitong sabungero matapos na mahuli sa aktong naglalaro ng tupada o iligal na sabong sa Levi Street, Jade Heights, Victoria Homes, Barangay Tunasan, Muntinlupa City.

Kinilala ang mga naaresto na sina Lino Mendez 50 anyos, Victor Martinez 57 anyos, Irenio Torrefiel 49 anyos, Mario Rimas 42 anyos, Melchor Rivas 54 anyos, Oliver Dongnga 31 anyos at Jessie Patalinghug 36 anyos.


Sa ulat ng Muntinlupa PNP, nakatangap sila ng impormasyon mula sa isang concerned citizen na isinusumbong ang nangyayaring tupada.

Dahil dito agad rumesponde ang mga pulis at nahuli sa aktong naglalaro ng tupada ang ilang indibdiwal na agad nakumaripas ng mga takbo pero nahuli ng mga pulis ang pito.

Nakuha sa mga naarestong sabungero ang dalawang patay na panabong na manok at bet money na ₱2,400.00.

Sa ngayon nahaharap na ang mga suspek sa kasong paglabas sa Presidential Decree 1602 o illegal cockfighting.




Facebook Comments