Tatlo sugatan habang ilang bahay at gusali nasira sa nangyaring lindol sa Magsaysay, Davao Del Sur – NDRRMC

231
Photo Courtesy: Davao City Disaster Risk Reduction and Management Office Facebook Page

Sugatan ang tatlong katao habang ilang bahay at gusali naman ang nasira matapos ang nangyaring pagyanig sa Magsaysay, Davao Del Sur kahapon.

Ito ay batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).


Sa kanilang monitoring, walong bahay ang nasira ng lindol M’lang at Kabacan Cotabato, 3 dito ay totallu damaged habang 5 ay partially damaged.

Na damage rin ang dalawang simbahan sa M’lang Cotabato at isang ospital sa Isulan Sultan Kudarat.

Habang inilikas naman ang mga pasyente sa Kidapawan Medical Specialist, Madonna Medical Center, ang Kidapawan Doctors Hospital Inc.

Dahil rin sa lindol nagkaroon ng limang landslide sa Makilala, Cotabato.




Sa ngayon nagpapatuloy ang damaged assessment ng NDRRMC sa mga lugar na naapektuhan ng lindol.

Facebook Comments