76th birthday wish ni Pangulong Duterte, matapos na ang pandemya

Hinihiling ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang nalalapit na kaarawan na matapos na ang COVID-19 pandemic at makabalik na sa normal na pamumuhay ang mga Pilipino.

Ipagdiriwang ni Pangulong Duterte ang kanyang 76th birthday sa Linggo, March 28.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, wala ng hiling pa ang Pangulo kundi magwakas na ang pandemya.


Bahagi ng pangako ng Pangulo na maibigay ang komportableng pamumuhay para sa lahat.

Ito ay pangalawang beses na ipagdiriwang ni Pangulong Duterte ang kanyang kaarawan habang nasa ilalim ng community quarantine.

Facebook Comments