8 volcanic earthquakes, naitala sa Bulkang Kanlaon sa nakalipas na 24 oras

Nanatiling mataas ang antas ng aktibidad ng Bulkang Kanlaon sa Negros Island.

Ayon sa Philippine Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, nakapagtala ng walong volcanic earthquakes sa bulkan sa nakalipas na 24 oras.

Nasa 1,611 naman na tonelada ng sulfur dioxide flux o asupre ang ibinuga ng bulkan.


Umabot din sa 100 metro ang taas ng plume mula sa Kanlaon at patuloy rin ang pagsingaw at panaka-nakang paglabas nito ng abo.

Nananatiling nakataas ang Alert Level 3 sa Bulkang Kanlaon kaya ipinagbabawal pa rin ang paglipad ng anumang sasakyang panghimpapawid malapit sa tuktok ng bulkan.

Facebook Comments