Umabot sa 80 kilos ng basura ang nakolekta ng volunteers at residente ng Brgy. Dalumpinas Oeste and San Francisco, San Fernando City, La Union kahapon nang umaga.
Ayon sa isang environmental conservation organization sa lungsod, mas paiigtingin ang paglilinis sa mga baybayin partikular ngayong tag-ulan dahil sa mga basura na tinatangay ng agos kasabay pa ng pagdagsa ng beachgoers tuwing weekend.
Dahil dito, nagsasagawa ng Saturday and Sunday Sunrise Trash Hunt ang grupo katuwang ang iba pang volunteers upang mapanatili ang kalinisan sa mga karagatan na maaaring makaapekto sa mga marine biodiversity.
Kaugnay nito, muling hinikayat ng grupo ang publiko na tumalima sa responsableng disposal ng basura tuwing bumibisita sa mga baybayin. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣