Tinangay sa loob ng City Hall ang mga alahas na nagkakahalaga ng abot P100, 000 na pagmamay-ari ng isang 39 anyos na babae, at empleyado ng lokal na pamahalaan ng Alaminos.
Sa panayam ng IFM News Dagupan kay Alaminos City Police Station PSSg. Kenneth Tamayo, sa kopya ng CCTV, nakuhanan ang pagpasok ng isang lalaki sa lugar.
Nakilala ang lalaki na umano’y utility ng lokal na gobyerno.
Dahil lumipas ang ilang araw bago ito tuluyang naisangguni sa awtoridad, hindi naaresto ang lalaki bagamat nagfile na ng kaso ang biktima laban dito.
Samantala, ani Tamayo, hindi na narecover ang mga alahas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments