Susunod na PNP Chief, hindi pa rin naitatalaga – SILG Abalos

122

Hindi pa rin nagtatalaga si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng bagong hepe ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Interior Secretary Benhur Abalos, maiging pa rin itong pinag-aaralan at inaasahang sa mga susunod na linggo pa ito bago i-anunsyo.

Sa ngayon, hindi idinetalye ni Abalos kung mayroon na itong inirekomenda sa pangulo bilang susunod na mamumuno ng pambansang pulisya.


Ilan sa mga matutunog na pangalan na posibleng makuha ang naturang pwesto ay sina:

• PNP-OIC Police Lt. Gen. Vicente Danao Jr.
• PNP Deputy Chief for Administration Police Lt. Gen. Rhodel Sermonia
• PNP Director for Operations Police Maj. Gen. Valeriano De Leon
• Area Police Command-Northern Luzon Commander Police Lt. Gen. Rodolfo Azurin
• NCRPO Chief Police Maj. Gen. Felipe Natividad

Facebook Comments