85 NA INDIBIDWAL, APEKTADO NA NG BAGYONG KARDING

52
Tinatayang nasa 85 indibidwal o 22 pamilya mula sa lalawigan ng Isabela at Quirino ang apektado na sa pananalasa ng bagyong Karding.

Batay sa tala ng DSWD Region 2, ang mga apektadong pamilya ay naitala mula sa mga bayan ng Divilacan, Palanan, Isabela at Saguday, Quirino.

Kaugnay nito, binuksan na ang ilang evacuation centers para sa mga evacuees o pamilyang lilikas na kinabibilangan ng Dimasalansan Daycare Center, Brgy. Dimasalansan, Divilican; Brgy. Culasi Evacuation Center, Palanan; Evacuation Center: Municipal Evacuation Center Brgy. Rizal, Quirino.

Via DSWD R2

Facebook Comments