88% ng operasyon ng Cebu Pacific, naibalik na

Naibalik na ng Cebu Pacific (CebPac) ang 88% ng operasyon nito kung saan ang average flights na kada araw ng air carrier ay 340.

Binubuo ito ng 34 domestic at 18 international destinations na katumbas ng 64,000 seats kada araw.

Ayon kay Xander Lao, Chief Commercial Officer ng Cebu Pacific, mula sa 100% pre-pandemic domestic capacity , nakapagtala na sila ngayon sa 109% domestic capacity ngayong July 2022.


Nagbukas din ang CebuPac ng ₱188 na one-way base fare para sa domestic routes kung saan ang travel period ay mula September 1, 2022 – January 31, 2023.

Facebook Comments