9 na indibidwal, patay sa salpukan ng truck at van sa Amerika

Nasawi ang siyam na indibidwal matapos ang salpukan ng isang truck at van sa West Texas, USA.

Ang naturang truck ay minamaneho ng isang 13-anyos na lalaki habang ang van ay may sakay na isang college golf team.

Ayon sa mga awtoridad, kabilang sa mga namatay ang anim na miyembro ng golf team ng New Mexico Based University of the Southwest kasama ang kanilang coach.


Patay rin sa banggaan ang nasabing driver ng truck at ama nito.

Habang dalawa pang estudyante na pawang Canadian ay nasa kritikal na kondisyon sa isang ospital.

Facebook Comments