90% ng mga estudyante sa bansa, target na mabakunahan ng pamahalaan kontra COVID-19

85

Target ng pamahalaan na mabakunahan laban sa COVID-19 ang 90% ng mga estudyante sa bansa para sa maayos na pagsasagawa ng face-to-face classes.

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., maganda ang naging bakunahan sa mga batang 12 hanggang 17.

Dagdag pa ni Galvez na ilan sa mga estudyante at magulang ang nagnanais na isama sila sa coverage ng second booster shots.


Matatandaang sinabi ng Department of Education (DepEd) na 25,668 o 56.89% ng pampublikong paaralan sa buong bansa ang bumalik na sa face-to-face classes sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments