HINARANG | Mga seahorse na ibabyahe papuntang Maynila, naharang ng PCG

Tinatayang nagkakahalaga ng Php 3,600,000.00 ang mga patay na searhorse na naharang ng Philippine Coast Guard sa pantalan ng Zamboanga.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng PCG, nakatanggap ng impormasyon ang PCG na mayroong oceanic container mula sa Tawi Tawi na may laman na endangered aquatic products ang ibabyahe pa- Manila.

Dahil dito, agad na nagsagawa ng port entrance check ang PCG sa nasabing container van.


Sa kabuuan, nasa 15 carton bundles ng seahorses ang nakumpiska ng PCG na itinurn over naman sa BOC at BFAR para sa documentation.

Ang consignee ng van na kinilala bilang si Mr. Ramon D Sayson ay inimbitahan na ng Maritime Group para sa imbestigasyon.

Facebook Comments