Monday, June 8, 2026

MGA TODA SAALAMINOS, PINAGHANDA PARA SA PAGBUBUKAS NG KLASE

Pinulong ng Public Order and Safety Office (POSO) at Transportation Regulation Unit (TRU) ang mga opisyal at miyembro ng iba’t ibang Tricycle Operators and Drivers Associations (TODA) sa lungsod bilang paghahanda sa muling pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan.

Sa ginanap na pagpupulong noong Hunyo 6 sa City Conference Hall, pinaalalahanan ang mga tricycle operator at driver hinggil sa mahigpit na pagsunod sa mga batas trapiko at lokal na ordinansa.

Dumalo sa pulong ang Hundred Islands TODA Federation, FACPTODA, at Sampot Alaminos City TODA.

Nagpahayag ng suporta ang mga opisyal ng TODA sa mga hakbang ng pamahalaang lungsod at nangakong susunod sa mga regulasyon tulad ng coding scheme, pagbabawal sa overloading at illegal parking, gayundin sa tamang paniningil ng pamasahe at pagpapatupad ng Bawal Bastos Law.

Inaasahan ng mga awtoridad ang pagbigat ng daloy ng trapiko simula Lunes kasabay ng pagbubukas ng klase, kaya naman nananawagan sila ng kooperasyon mula sa lahat ng motorista at transport groups upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa mga lansangan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments