Mula sa pinakasimple hanggang sa magarbong flower bouquet, tila mahihirapan pumili ang mga mamimili ng para sa kanilang ireregalong bulaklak sa kanilang mga ina para Mother’s Day bukas, May 10, 2026.
Pero ayon sa isang Flower Shop dito sa Dagupan, may mga mabentang mabenta na na flower arrangement.
Ayon sa florist na si Cristal Soy, pinakamabenta ang Stargazer, Red Roses, at Sunflower bilang paboritong handog para sa mga dakilang ina.
Ang isang dosenang Red Roses ay nagkakahalaga ng P1,000. Kung gusto niyo namang mas bongga, ang isang dosenang rosas na may kasamang Stargazer ay nasa P1,500.
Para sa mga “Budget-friendly”, may three pieces of Red Roses sa halagang P350, o kaya naman ay isang stem ng Sunflower sa halagang P250.
Kapag magpapa-customize, maaari itong umabot ng P2,500 pataas depende sa ipapadagdag na bulaklak.
Dagdag rito ay tiniyak naman ng naturang Flower Shop na sapat ang kanilang supply at nananatiling sariwa ang mga bulaklak para sa mga taga-Dagupan.
Ang pagbibigay ng bulaklak sa mga nanay ay isang paraan lamang upang ipakita ang pagmamahal at pagkilala sa sakripisyo ng mga mahal nating nanay tuwing Mother’s Day.
##



