Wednesday, June 24, 2026

HIGIT 160 RESIDENTE, NAKATANGGAP NG AICS FINANCIAL ASSISTANCE SA DAGUPAN CITY

Nakapagtala ng 168 benepisyaryo mula sa hanay ng mga mahihirap na residente ang nakatanggap ng tulong pinansyal para sa medical at burial assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.

Kasabay ng pamamahagi ng financial assistance, isinagawa rin ang pagbibigay ng impormasyon at paalala tungkol sa disaster preparedness, partikular na sa posibleng epekto ng “The Big One” o malakas na lindol na maaaring tumama sa bansa.

Layunin nito na mapalakas ang kaalaman at kahandaan ng mga benepisyaryo sakaling magkaroon ng sakuna, habang patuloy na tinutugunan ang kanilang agarang pangangailangang pinansyal.

Patuloy naman ang paalala ng lokal na pamahalaan na bukas ang kanilang mga programa para sa mga kwalipikadong indibidwal na nangangailangan ng tulong sa oras ng krisis. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments