Lumang motorsiko – sinasamba ng mga motorista sa India

India – Agaw-atensyon sa isang national highway sa India ang pagsamba ng mga motorista sa isang lumang motorsiklo.

Pag-aari raw ito ng isang Om Singh Rathore na naaksidente sa pagmomotorsiklo, tatlong dekada na ang nakalilipas.

Dahil dito, ibinenta ng pamilya ni Om Singh ang motorsiklo pero laking gulat ng mga ito nang bigla na naman itong sumulpot sa kalsadang pinangyarihan ng aksidente.


Simula noon, nagtayo sila ng templo sa lugar na ngayo’y dinarayo na ng libu-libong motorista.

Naniniwala kasi sila na sa pamamagitan ng pagdadasal sa templo, makaiiwas sila sa anumang aksidente sa pagmamaneho.

Facebook Comments