Iginiit ni Bicol Saro Party-list Representative Brian Raymund Yamsuan kay bagong talagang Bureau of Fire Protection (BFP) Director Jesus Piedad Fernandez na isailalim sa advance training ang mga bumbero sa buong bansa.
Layunin nito na maging epektibo ang pagtupad ng ating mga bumbero sa kanilang responsibilidad sa pagpatay ng sunog at pagiging first responders tuwing may trahedya at iba pang biglaang mga insidente.
Diin ni Yamsuan, ang pagpapahusay sa kakayahan ng ating mga bumbero para umayon sa pandaigdigang pamantayan ay dapat maging bahagi ng modernization program para sa BFP.
Kaakibat nito ay umaasa rin si Yamsuan na matutugunan ni Fernandez ang kakulangan ng mga trak ng bumbero sa buong bansa sa pamamagitan ng pagkakasa ng isang transparent at patas na bidding processes.
Kasabay nito ay umaasa rin si Yamsuan na maisasabatas na ang House Bill 6512 o panukalang magsi-sertipika sa mga BFP personnel bilang medical first responders at emergency medical technicians.