ADVISORY: MIAA, naglabas ng Red Lightning Alert ngayong umaga; flight and ground operation, suspendido na

Naglabas ang Manila International Airport Authority-Airport Ground Operations and Safety Division (MIAA-AGOSD) ng Red Lightning Alert.

As of 5:22 ngayong umaga, pansamantalang sinuspinde ang mga flight at ground operations.

Ang nasabing red lightning ay itinataas upang maiwasan ang anumang insidente na makakaapekto sa mga pasahero, personnel, at flight operations ng paliparan.


Samantala, patuloy naman ang pag-aabiso nila sa pasahero sa pagka antala ng biyahe ngunit sinisiguro pa rin ng paliparan na safe ang mga ito patungo sa kanilang pupuntahan.

Facebook Comments