Mahigpit na ipatutupad ang mga security protocol sanalalapit Bangusan Street Party “Kalutan ed Dalan” bilang bahagi ng Bangus Festival 2026, mamaya, sa New De Venecia Road Extension, Dagupan City.
Ayon sa Dagupan City Police, kabilang sa pangunahing ipatutupad ang pagbabawal sa pagdadala ng backpacks upang mapabilis ang inspeksyon sa mga checkpoints at masiguro ang kaligtasan ng mga dadalo sa aktibidad.
Pinapayuhan ang publiko na gumamit na lamang ng maliliit na bag tulad ng sling o body bag, at mas mainam kung transparent, upang mapadali ang security checks.
Hinimok din ang mga dadalo na maging mapagmatyag at agad i-report sa mga awtoridad ang anumang kahina-hinalang kilos o gamit. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙬𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








