
CAUAYAN CITY- Matagumpay ang inagurasyon ng AGAK Rehabilitation and Wellness Facility sa Brgy. Turod Sur, Cordon, Isabela.
Ang pasilidad na may halagang limang milyong piso ay pinondohan mula sa National Dangerous Drug Board Fund 2023.
Ang inagurasyon ay dinaluhan ng mga tauhan mula sa iba’t ibang sangay ng gobyerno, kabilang si Municipal Mayor Lynn Zuniega.
Ang AGAK Rehabilitation and Wellness Facility ay magsisilbing isang rehabilitation center para sa mga outpatient, at layunin nitong matulungan ang mga tao na makapagbago at muling makabalik sa normal na buhay.
Sa pamamagitan ng pasilidad na ito, inaasahan na magkakaroon ng mas magandang oportunidad para sa mga indibidwal na nais magbago, lalung-lalo na ang mga naapektuhan ng mga isyu ng droga.