BAGONG BARANGAY HALL NG CUTOG GRANDE, PLANONG IPATAYO NGAYONG TAON

CAUAYAN CITY- Isa sa mga proyektong prayoridad na isakatuparan ngayong taon ng Brgy. Cutog Grande, Reina Mercedes, Isabela ay ang konstruksyon ng kanilang bagong Barangay Hall.

Sa panayam ng IFM News Team kay Brgy. Kagawad Oscar Gammad, inihayag niyang target nilang masimulan ang proyekto ngayong 2025, kung saan ang bagong barangay hall ay magsisilbing opisina rin ng barangay health staff.

Ayon sa kanya, itatayo ito malapit sa community center upang mas mapabuti ang serbisyo at accessibility para sa kanilang nasasakupan.


Samantala, ang dating barangay hall ay gagawing evacuation center upang magbigay ng mas ligtas at maayos na matutuluyan para sa mga residenteng apektado ng baha at iba pang kalamidad.

Facebook Comments