Patuloy na humahakot ng mga basura ang tauhan ng Waste Management Division sa Dagupan City partikular sa Downtown Area sa kabila ng nanatiling pagbaha sa lugar.
Nagpalutang-lutang kasi sa baha ang ilang mga basura galing sa palengke at sa mga establisyemento sa sentro.
Ayon kay Fernando na isa sa mga kawani ng WMD-Dagupan, hinahabol nila ang mga palutang-lutang na basura sa Downtown Area na maaring magdulot ng pagbara ng mga drainage.
Hindi na rin umano naka-segregate ang mga basura mula sa area na nagiging dagdag hamon sa kanila.
Dagdag niya, araw-araw silang naghahakot ng basura sa downtown area na kanilang dinadala sa dumpsite sa Bonuan.
Samantala, patuloy naman ang isinasagawa ng WMD-Dagupan na tanggalin ang mga basura na nakabara sa ibat ibang kanal, creek at drainage sa buong lungsod ng Dagupan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








