Tuesday, July 21, 2026

Agarang tulong sa pamilya ng 2 nasawing Pinoy seafarers, pinatitiyak ni PBBM

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Migrant Workers (DMW) na tiyaking maibibigay ang lahat ng kinakailangang tulong sa pamilya ng dalawang Filipino seafarers na nasawi sa pag-atake sa kanilang barko sa Northern Black Sea.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nakikipag-ugnayan na si DMW Secretary Hans Leo Cacdac sa mga naulilang pamilya ng mga biktima.

Kasabay nito, iniimbestigahan ng DMW kung may nilabag na mga patakaran sa kaligtasan ang foreign principal o local manning agencies.

Kapag napatunayang may paglabag, maaari silang mapatawan ng parusa, kabilang ang pagbawi ng kanilang lisensya.

Samantala, ikinatuwa ng Malacañang ang ligtas na pagdaan ng apat na Philippine-registered vessels sa Strait of Hormuz.

Patuloy ring binabantayan ng DMW ang kalagayan ng mga Filipino seafarers na naglalayag sa mga conflict area upang matiyak ang kanilang kaligtasan

Facebook Comments