Tuesday, July 21, 2026

Palasyo, hindi makikialam sa subpoena sa bank at tax records ni VP Sara

Hindi makikialam ang Malacañang sa usapin ng subpoena para sa bank at tax records ni Vice President Sara Duterte.

Ito’y matapos aprubahan ng Senate Impeachment Court ang hiling ng House prosecution na maglabas ng subpoena para sa naturang mga rekord.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, wala pang natatanggap na anumang kahilingan ang Office of the President kaugnay ng usapin.

Dagdag pa niya, nasa kapangyarihan ng Senate Impeachment Court ang maglabas ng subpoena at iba pang kautusan dahil ito ang nangangasiwa sa impeachment proceedings

Facebook Comments