TREE PLANTING, FEEDING PROGRAM AT COASTAL CLEANUP DRIVE, ISINAGAWA SA BONUAN-BINLOC

Nagsagawa ng tree planting activity, feeding program, at coastal cleanup drive ang City Mobile Force Company o CMFC ng Dagupan City Police Office kasama ang Graystone Institute of the Philippines sa Barangay Bonuan-Binloc, Dagupan City noong Oktubre 24, 2026.

Pinangunahan ang partisipasyon ng CMFC ni PCPT Zenmar O. Grospe, Deputy Company Commander, sa ilalim ng supervision ni PLTCOL Rodel V. Silaran, Company Commander, at sa direksiyon ni PCOL Arnold P. Solomon, City Director ng Dagupan City Police Office.

Isinagawa ang mga aktibidad sa koordinasyon sa mga opisyal ng barangay at Pamahalaang Lungsod ng Dagupan bilang bahagi ng pakikiisa sa pangangalaga sa kalikasan at pagpapaunlad ng komunidad.

Layunin ng tree planting at coastal cleanup drive na palakasin ang kamalayan ng publiko sa pangangalaga sa kapaligiran, habang naglalayon naman ang feeding program na makatulong sa mga miyembro ng komunidad sa pamamagitan ng pamamahagi ng pagkain.

Sa pamamagitan ng mga inisyatibong ito, layon ng mga kasangga na palakasin ang ugnayan ng pulisya, mga opisyal ng barangay, pribadong institusyon, at lokal na pamahalaan sa pagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan at pagpapaunlad ng komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments