BAGONG DEPLOYMENT NG TRAFFIC PERSONNEL, IPATUTUPAD SA MANAOAG NGAYONG PASUKAN

Bago pa man magsimula ang pasukan, naghanda na ang Traffic Operations Office (TOU) ng Manaoag sa inaasahang pagsikip ng trapiko sa mga pangunahing lansangan ng bayan.

Ayon sa ulat, simula Hunyo, ipatutupad na ang bagong area assignments at deployment ng traffic personnel, kabilang ang paglalagay ng dalawang roving teams na magbabantay hanggang alas-6:30 ng gabi tuwing weekend.

Tututukan din ng mga law enforcement teams ang mga lugar na madalas makaranas ng mabigat na daloy ng sasakyan gaya ng Rizal Street, Soriano Street, Tiong Street, at Mendoza Street kasabay ng pagdami ng mga estudyante, commuter at motorista sa pagbubukas ng klase.

Nanawagan naman ang mga awtoridad sa publiko na gumamit ng pedestrian lanes para maiwasan ang insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments