Inaanyayahan ang mga vlogger at content creator sa Western Pangasinan na lumahok sa Vloggers Forum 2026 na gaganapin sa Nobyembre a-bente (November 20) sa Alaminos City.
Sa pamumuno ni Alaminos City Mayor Arth Bryan Celeste, layunin ng aktibidad na palakasin ang responsableng paggamit ng social media, paunlarin ang digital storytelling at bigyang-daan ang pagpapalitan ng kaalaman at ideya ng mga content creator.
Gaganapin ang forum sa DLSCC Right Wing, simula alas-otso ng umaga.
Bukas ang aktibidad sa mga residente ng Western Pangasinan na mayroong hindi bababa sa sampung libong followers sa kanilang Facebook page o personal account.
Gayunman, limitado lamang sa limampung kalahok ang tatanggapin sa pamamagitan ng first-come, first-served basis.
Maaaring magparehistro ang mga interesadong lumahok sa pamamagitan ng online registration form na makikita sa opisyal na anunsiyo ng lungsod.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa City Information Office sa mga numerong 0920-977-9842. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










