Alegasyon ni Cong. Teves kay DILG Abalos, tinawag nitong kalokohan

Hindi na pinatulan pa ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. ang alegasyon ni Negros Oriental Rep. Arnie Teves laban sa kaniya.

Ayon kay Abalos, preposterous o kalokohan lamang ang reklamo ni Teves na pinepersonal siya at hinahanapan lamang ng butas para makasuhan.

Matatandaang sinabi ni Rep. Teves na ginagamit umano ni Abalos ang pwersa ng gobyerno para ipitin siya, dahil kapwa sila nagpahayag ng intensyong tumakbo bilang senador.


Panawagan pa ni Teves na lumaban na lang ng patas sa kampanya si Abalos.

Samantala, sinabi pa ng kalihim sa mambabatas na anuman ang sabihin nito laban sa kaniya, ay entitled naman siya sa kaniyang sariling opinyon.

Facebook Comments