Alkalde ng South Upi, Maguindanao at asawa nito, inaresto ng CIDG

Arestado ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Maguindanao Provincial Field Unit kasama ang CIDG Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang mag-asawang sina “Rey” at “Janet” na kasalukuyang alkalde ng South Upi, Maguindanao del Sur, sa Brarangay Making, Parang, Maguindanao del Norte kahapon.

Ang pagkaka-aresto sa dalawa ay bunsod ng inilabas na Warrant of Arrest ng korte para sa kasong murder, frustrated murder, at attempted murder laban sa mga suspek.

Nag-ugat ito makaraang tambangan noong Agosto 2, 2024 sa Sitio Linao, Barangay Pandan, South Upi, Maguindanao del Sur si Vice Mayor Roldan Benito at ng kanyang security aide na si Weng Marcos na kapwa nasawi habang sugatan naman sa insidente ang asawa ng Bise Alkalde na si Brgy. Chairperson Analyn Benito at ang kanilang 11-taong gulang na anak, na kapwa tinamaan ng bala.

Base sa imbestigasyon ng binuong Special Investigation Task Group ang mag-asawang sina “Rey” at “Janet” ang utak sa krimen.

Facebook Comments