PNP Chief Marbil, nais na ipagpatuloy ng susunod na mamumuno sa PNP ang kanyang mga nasimulang reporma sa hanay ng Pambansang Pulisya

Ilang linggo bago ang kanyang pagbaba sa pwesto bilang hepe ng Pambansang Pulisya.

Sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rommel Francsico Marbil na tiwala itong ipagpapatuloy ng susunod na pinuno ng PNP ang kanyang mga repormang nasimulan sa hanay ng Pambansang Pulisya.

Ayon kay Marbil, hindi nito habol ang legasiyang kanyang maiiwan dahil itinuloy lamang din niya at pinaganda ang mga nasimulang reporma ng mga nakalipas na PNP Chief.

Pero kung mayroon man aniyang dapat tutukan at mas pagtuunan pa ng pansin ay ang promotion system at ang mas malawak na training sa mga pulis.

Una nang sinabi ni Marbil na kumpyansa siya na nasa mabuting kamay ang PNP kahit sino pa man ang kanyang maging kapalit dahil maraming magagaling na commanders ang PNP.

Nabatid na si Marbil ay nakatakdang magretiro sa serbisyo sa darating na June 7, 2025 matapos palawigin ng apat na buwan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang termino.

Facebook Comments