Internship program para sa mga mahihirap na mag-aaral, binuksan ng pamahalaan

Hinikayat ng Malacañang ang mga kwalipikadong mag-aaral na nais magtrabaho sa gobyerno na mag-apply na sa Government Internship Program ng pamahalaan.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, makatatanggap ang mga mag-aaral ng 75% regional wage o sweldo habang sila ay natututo at naghahanda para sa kanilang pagtatapos sa kolehiyo.

Para sa mga nais na mag-internship sa gobyerno, kailangan lamang ay college level o nasa edad 18 hanggang 25 years old; nasa junior o senior college level sa darating na pasukan; at dapat ay mas mababa sa latest regional poverty threshold ang kinikita ng kanilang pamilya.

Nasa 75 na intership slots ang bubuksan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Offices, habang 35 naman sa Central Office ng tanggapan sa Quezon City.

Facebook Comments