Ama, arestado matapos ikulong ng 3 araw ang kaniyang mag-ina sa truck sa Maynila

Nahuli ang 48 taong gulang na lalaki matapos na ikulong umano ang mag-ina nito sa truck sa Baseco, Maynila.

Matapos na ihain ang arrest warrant na inisyu ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 43.

Ayon kay Station Commander Police Lieutenant Colonel Emmanuel Gomez ng Baseco Police Station, ikinulong nito ang kaniyang asawa at anak ng tatlong araw dahil sa umano’y selos.


Nakatanggap ng reklamo ang nasabing istasyon matapos na makauwi ang mag-ina sa Bulacan kung saan tinulungan ito ng mga kapitbahay nito na magreklamo.

Dahil dito, nagkasa ng operasyon ang mga awtoridad na tugisin ang suspek kung saan sinubukan nitong tumakbo at tumakas pero hindi ito nagtagumpay.

Samantala, iginiit ng akusado na ikinulong nito ang kaniyang mag-ina sa truck ng tatlong araw dahil iniwan niya ang mga ito sa kanilang garahe sa tinitirahan sa Bulacan.

Ngunit umamin ang biktima na sinasaktan nito ang may bahay at hindi ang kaniyang anak dala ng selos dahil may nakita umano ito sa cellphone ng kaniyang asawa.

Dagdag pa ng biktima, gumagamit siya noon ng ilegal na droga kapag bumibiyahe ito ng malayuan pero hindi ito nakadroga nang bugbugin niya ang kaniyang asawa.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong dalawang bilang ng serious illegal detention at dalawang bilang ng Section 5a sa ilalim ng RA 9262 o ang Violence Against Women and Children.

Facebook Comments