LTO, nasolusyon na ang backlog ng mga plaka para sa mga tricycle sa Marikina City

Tiwala ang Land Transportation Office (LTO) na mareresolba na ang mga kolorum na tricycle sa Lungsod ng Marikina.

Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza II, natugunan na ang backlog sa license plate ng mga tricycle sa lungsod ng Marikina

Paliwanag pa ni Mendoza na kabuuang 1,223 piraso ng yellow plates ang naipamahagi na ng LTO sa mga tricycle driver sa tulong na rin ng Marikina City Government.


Matatandaan na noong nakalipas na taon, pinulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sina Transportation Secretary Jaime Bautista at LTO Chief Mendoza tungkol sa problema sa license plates.

Nauna nang natugunan ng LTO ang backlog sa license plates sa four-wheel vehicles ng makagawa ito ng mahigit 800,000 license plates.

Facebook Comments