TUBONG ALAMINOS CITY, ITINALAGA BILANG IKA-31 COMMANDANT NG PCG

Ipinagdiriwang ng Alaminos City, Pangasinan ang pagkatalaga ni Vice Admiral Rommel A. Supangan, tubong Alaminos, bilang ika-31 Commandant ng Philippine Coast Guard o PCG.

Opisyal na itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Supangan upang pumalit kay Admiral Ronnie Gil Gavan.

Pormal na naganap ang pagpapalit ng pamunuan kasabay ng retirement ceremony sa Port Area sa Maynila.

Samantala, nagtapos si Vice Admiral Supangan sa Philippine Military Academy o PMA bilang miyembro ng Marilag Class of 1995 at mayroong mahigit tatlong dekadang karanasan sa larangan ng maritime operations at pamumuno.

Kabilang sa mga dati niyang posisyon ang Commander ng Coast Guard Fleet, Coast Guard District Palawan, at Marine Environmental Protection Command.

Bilang bagong pinuno ng PCG, inaasahang pangungunahan niya ang pagsusulong ng mabuting pamamahala, modernisasyon, at seguridad sa karagatan.

Samantala, nagpahayag ng pagmamalaki at suporta ang pamahalaan at mamamayan ng Alaminos City sa pagkakatalaga sa kanilang kababayan sa mahalagang posisyon| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments