Harry Roque, tinawag na fake news ang mga pahayag ni Remulla na denied ang asylum request nito

Fake news…

‘Yan ang naging pahayag ni dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque sa sinabi ni Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na na-deny o hindi kinatigan ng The Netherlands ang asylum request nito.

Sa panayam ng DZXL News, sinabi ni Roque na malinaw na walang basehan ang mga naging pahayag ni Remulla at muling iginiit na huling makakaalam ang Pilipinas sa impormasyon tungkol sa kanyang asylum.

Una na ring sinabi ni Justice Secretary Remulla na pwedeng habulin ng International Police Organization o Interpol si Roque oras na mawalan na ito ng dokumento at mapag-alaman na ito ay nagtatago na sa batas.

Nahaharap si Roque sa patong-patong na kaso na may kaugnayan sa human trafficking dahil sa koneksyon sa iligal na POGO na Lucky South 99 sa Pampanga.

Facebook Comments