ANG INIT! | Epekto ng Pabago-bagong Panahon sa Aquaculture

Matapos ideklara ng PAGASA ang simula ng tag-init, apektado na rin ang aquaculture sa Dagupan City. Sa kadalasang pagbabago sa panahon na kung saan mararanasan ang init sa umaga at pa bugso-bugsong ulan sa hapon, maigting na binabantayan ng mga fishpond owners ang kanilang mga palaisdaan upang maiwasan ang “tangok” o oxygen starvation na nagdudulot ng fish kill.

Natatandaang nagkaroon ng kaso ng fish kill sa Dagupan City noong nakaraang taon sa kadahilanan na rin ng pabago bagong panahon. Ayon sa Dagupan City Agriculture Office, “This April, kasagsagan ng Bangus Festival, so far wala pa namang kaso ng fish kill.”

Sa kasalukuyan, ang supply ng bangus ay sapat pa umano ayon sa mga fish vendors na ang presyo ay pumapatak sa 100-130 peso per kilo.
Ulat ni Mary Denise Paderon


Facebook Comments