Halos trumiple pa ang nadagdag na bilang ng mga nabakunahan ng Flu and Pneumonia vaccine sa lungsod ng Dagupan.
Ayon sa tala ng lokal na pamahalaan ng lungsod, noong 2022 at 2023, parehong naitala ang nasa 2, 536 na mga naturukan ng naturang vaccine. Nitong nagdaang 2024, umabot sa 8, 171 na mga Dagupeños ang nakinabang dito.
Prayoridad nito ay mga Senior Citizens, mga government employees at iba pang mga residenteng nais makakuha nito. Samantala, nagpapatuloy ang iba’t-ibang serbisyong pangkalusugan para sa mga Dagupeño. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments