
Aalalay rin sa publiko ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ngayong Semana Santa.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni DICT Spokesperson Asec. Renato Paraiso na pinalakas nila ang National Broadband Phase 1 para tuloy-tuloy ang connectivity sa mga pampublikong lugar, tanggapan ng gobyerno, at transportation terminals.
Pinaigting din ng ahensya ang pagpapakalat ng impormasyon, digitalization process, at travel advisories, para sa mga gagamit ng online banking at digital payment platforms ngayong Holy Week.
Samantala, nagpaalala naman si Paraiso sa publiko na huwag basta-basta pindutin ang mga makikitang link o ibibigay ang one time password para maiwasan ang online scams.
Kung may mapindot man aniya na link, itawag lamang ito sa hotline 1326 para matugunan ang kanilang reklamo at matukoy ang data base at agad na block ang cellphone number ng scammer.