James Reid, itinanghal na best Southeast Asia Actor sa MTV Europe Music Award

88

Manila, Philippines – Itinanghal bilang 2017 Best Southeast Asia Actor sa MTV Europe Music Awards ang actor/singer na si James Reid.

Nahigitan ni James ang anim na ibang pambato gaya nina Faizal Tahir ng Malaysia, Dam Vinh Hung ng Vietnam, Isyana Sarasvati ng Indonesia, Slot Machine ng Thailand, The Sam Willows ng Singapore at Social Wildcard winner Palitchoke Ayanaputra ng Thailand.

Ang nasabing anunsiyo ay maagang ginawa ng mtvasia.com ilang oras bago ganapin ang 2017 MTV Ema sa Wembley London, United Kingdom.

Facebook Comments