
Naging mapayapa ang pagtatapos ng isinagawang anti-Marcos rally ni Congressman Kiko Barzaga.
Ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO) humigit-kumulang 100 katao lamang ang dumalo sa nasabing protesta sa Forbes Park kagabi.
Kung saan, ganoon din karami ang kanilang covert operatives bukod pa sa mahigit 600 personnel mula sa PNP at BFP.
Maximum tolerance rin ang ipinatupad ng hanay sa demonstrasyon sa eksklusibong subdivision.
Una nang sinabi ng NCRPO Director na walang permit ang rally at bawal ang ganitong pagkilos sa mga private property.
Facebook Comments









