Tiwala at suporta ng publiko, hiling ni DOJ OIC Usec. Vida

Muling umaapela ang Department of Justice (DOJ) sa publiko na magtiwala sa proseso ng batas.

Ito’y sa kabila ng mga isyung kinakaharap ng bansa tulad na lamang ng maanomalyang flood control project at ang kaso ng mga nawawalang sabungero.

Ayon kay DOJ OIC Usec. Fredderick Vida, patuloy nilang gagampanan ang tungkulin upang masiguro na maipapatupad ang tinatawag na rule of law.

Giit ni Vida, magtiwala lamang ang publiko dahil marami pa rin namang tauhan ng gobyerno ang matino at ginagawa lamang ang kanilang trabaho.

Sinisiguro pa ni Vida na sa mga susunod na araw ay asahan ng publiko na magkakaroon ng resulta ang mga naturang isyu.

Sa huli, hangad ni Vida na makipagtulungan ang lahat at suportahan ang DOJ sa mga ginagawa nilang imbestigasyon.

Facebook Comments