LALAKING NASALIKOD NG VIRAL NA PANANAKIT SA ESTUDYANTE SA DAGUPAN CITY,SUMASAILALIM NA SAREHABILITASYON

Nasa pangangalaga na ng Department of Health Treatment and Rehabilitation Center o DOH TRC-Dagupan City anglalaking nag-viral sa social media dahil sa umano’y pananakit sa isang estudyante sa Dagupan City.

Matatandaang naghain ng pormal na reklamo sa pulisya ang biktima matapos ang insidente, na nagresulta sapagkakaaresto sa lalaking itinuturong sangkot sa pananakit.

Sa panayam ng IFM Dagupan kay Raymund T. Basbas, RN, MAN, Chief Administration Officer ng DOH TRC-DagupanCity, kinumpirma nitong nasa kanilang pangangalaga na ang nasabing lalaki at sumasailalim na sa paggamot.

Umaasa naman si Basbas na sa pamamagitan ng mga programa at serbisyong ipinagkakaloob ng kanilang tanggapan aymatutulungan ang mga indibidwal na may problema sa paggamit ng ilegal na droga upang maiwasan ang mga insidentengmaaaring makapinsala sa kapwa at sa komunidad.

Nagpaalala rin siya sa mga residente ng Dagupan City na huwag mag-atubiling ipagbigay-alam sa mga awtoridad angmga kahina-hinalang insidente o sitwasyong nangangailangan ng agarang aksiyon.

Ayon kay Basbas, mahalaga ang pakikipagtulungan ng publiko upang agad na matukoy ang mga indibidwal nanangangailangan ng angkop na tulong at interbensiyon mula sa kanilang tanggapan at iba pang kinauukulang ahensiya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments